-- Advertisements --
image 35

Inabisuhan ng Philippine Coast Guard ang mga sasakyang pandagat na mas mababa sa 250 tons ang kapasidad, na huwag na munang bumiyahe.

Partikular na ang mga sasakyang pandagat na nagruruta sa mga karagatang sakop ng Southern Tagalog, o mga probinsya sa ilalim ng Region4A at Region4B.

Ayon sa PCG, matataas ang alon sa mga karagatan, kung saan ilang araw na ring nakataas ang gale warning.

Kinabibilangan ito ng mga karagatang sakop ng Occidental Mindoro, Lubang Islands, Oriental Mindoro, Romblon, Marindoque, Northern Quezon, at Polilio Islands.

Katwiran ng PCG, hindi ligtas ang pagbibiyahe para sa mga sasakyang pandagat na may kapasidad na mas mababa sa 250 tons lalo na at patuloy din ang malalakas na pag-ulan.

Sinabi ng Coast Guard na magpapatuloy ito hangga’t hindi bumabalik sa normal ang sitwasyon sa mga karagatan, upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente sa mga karagatan.