Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Pilipino na panatilihin ang presensiya o pangingisda sa Scarborough shoal at iba pang sites sa West PH Sea.
Ayon kay Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela, hindi napanatili ng Philippine vessels ang patuloy na presensiya nito subalit nangakong poprotektahan ang mga karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Liban dito, papaigtingin din ng PCG ang pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc at iba pang mga lugar kung saan nangingisda ang mga Pilipinong mangingisda sa kabila pa ng presenisya ng mga barko ng China sa isla.
Ang panghihimok ng PCG sa mga mangingisdang Pilipino ay kasunod na rin ng insidente ng pagkordon ng China sa Scarborough shoal na humarang sa mga Pilipinong fishermen na mangisda sa lugar.
Nanindigan naman ang panig ng Pilipinas partikular na ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang naturang shoal ay tradisyunal na fishing ground kung saan nakikinabang ang mga mangingisdang Pilipino mula sa mayaman nitong marine resources kung saan