-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Philippine Coast Guard Cebu (PCG-Cebu) ang pagsuspinde sa mga biyaheng pandagat mula sa lalawigan patungong Luzon at mga bahagi ng Visayas na apektado ng bagyong Rolly.

Sa isang abisong inilabas ngayong araw ng Sabado, Oktubre 31, sinabi ni Acting Commander Alvin Dagalea na kaagad nilang paiiralin ang nasabing
kautusan “until further notice”.

Hindi pinapayagang lumayag ang biyaheng dadaan sa Catanduanes dahil inilagay ito sa ilalim ng Storm Signal No. 3 ng state weather bureau, pati na rin ang Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands, at timog-silangan na bahagi ng lalawigan ng Quezon, kabilang ang Polillo Islands, na nasa ilalim ng Storm Signal No. 2.

Saklaw din sa naunang abiso ang mga biyahe patungong Masbate, Cavite, Batangas, Marinduque, Romblon, Occidental, at Oriental Mindoro, Metro Manila, Pampanga, Bataan, Zambales, Aurora, Pangasinan, La Union, Northern Samar, Eastern Samar, at Biliran.

Samantala, nakahanda na ang iba’t ibang mga equipments na gagamitin sa emergency response nitong lungsod kahit pa man hindi ito direktang tatama sa Cebu ngunit kinailan pa ring paghandaan ang mga posibleng mga epektong dala ng nasabing bagyo .