Magsasagawa ng background check sa mga pasahero ng pantalan ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ang nasabing hakbang aniya para mabantayan ang bilang ng mga Badjao na nagtutungo sa Metro Manila para sila ay mamalimos.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilio na karamihan sa mga Badjao ay galing sa Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at ilang bahagi ng Zamboanga City.
Sila umano ay ginagamit ng mga sindikato para mamalimos sa Metro Manila lalo ngayong panahon ng kapaskuhan.
Nauna ng nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Secretary Erwin Tulfo kay Commodore Marco Antonio Gines ang commander ng Southwestern Mindanao District ng PCG.
Tiniyak din ni Gines na makikipagtulungan sila sa mga local government unit para masawata ang nasabing problemang pagdagsa ng mga Badjao sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.