Iginiit ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hindi makikisawsaw ang Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines sa katayuan ng gobyerno ng Pilipinas pagdating sa foreign policy sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.
Saad ng PCG official na ang AFP ay propesyunal na mga sundalo at hindi sila makikialam sa usaping foreign policy pagdating sa China at Estados Unidos.
Ang pahayag na ito ng PCG official ay kasundo na rin ng komento kamakailan ni Senator Francis Escudero panahon na para magbigay ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanging siya lamang o ang Department of Foreign Affairs lamang ang maaaring magsalita kaugnay sa foreign policy sa gitna ng mga isyu sa WPS.
Dagdag pa ng Senador na kung ang isang AFP general ay nakapanayam sa naturang usapin, maaaring ma-misinterpret ito bilang act of war.
Kayat hindi dapat hinahayaan ang sinumang uniformed personnel sa mga siyu sa international relations.
Dapat din na ang foreign policy ng Pilipinas ay mapayapa at hindi paggyera.