Iimbestigahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang mga reklamo laban sa mga condominiums, subdivisions, at iba pang mga development property owners na naglilimita sa access sa nag-iisang internet service provider (ISP).
Ayon sa PCC, nakipag-ugnayan na sila sa mga homeowners patungkol sa umano’y exclusive dealings sa ISPs sa kanilang mga lugar.
Iginiit ng PCC na kanilang naiintindihan ang kahalagaan nang pagkakaroon nang kapangyarihan ng mga consumers na mamili sa kanilang bibilhing produkto.
Gayundin anila sa pagkakaroon ng patas na kompetisyon sa pagitan naman ng mga operators ng ISPs.
Gayunman, sa ngayon, ang mga indibidwal na mayroong kaparehong karanasan ay maaring makipag-ugnayan sa PCC sa pamamagitan ng enforcement@phcc.gov.ph.