CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapa-resign ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na umuupo rin bilang concurrent secretary ng Department of Agriculture (DA) sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni KMP chairman Danilo Ramos na nagmistula na walang pakinabang ang pangulo sa sektor ng agrikultura kahit pinamumunuan pa niya ito.
Sinabi pa nito bibilib lang ang mga mamamayan kapag magpalabas ng repeal order si Marcos laban sa Rice Liberalization Law (RTL) at maglaan ng bilyong halaga ng agriculture production subsidy para sa mga magsasaka ng bansa.
Magugunitang hindi rin bilib ang grupo sa kunwari pamimigay ng libreng bigas ng pangulo sa mahirap ng mga pamilya gamit ang nakompiska na suspected smuggled rice.
Napag-alaman na patuloy na iginiit ni Marcos na umano’y malapit nang maiskatuparan ang pagbabalik 20 pesos kada-kilo ng bigas na unang ipinangako noong kasasagan May 2022 election campaign.