-- Advertisements --
Tumanggi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang napag usapan nila kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Chief Executive, inilahad sa kaniya ni dating Pangulong Duterte ang naging pag uusap nila ni Chinese President Xi Jinping.
Nakiusap naman ang Pangulo na hayaan na lamang na manatiling confidential sa pagitan nila ng dating presidente ang naging pag uusap dahil ito aniya ay confidential operational matters.
Naniniwala naman ang pangulo na walang kaugnayan ang pagbisita ni dating Pangulong Duterte sa China sa nangyaring insidente kamakailan sa Ayungin Shoal.










