-- Advertisements --

Tinawanan lamang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang naging akusasyon ni Pastor Apollo Quiboloy na nakikipagsabwatan ito sa Amerika kasama si First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez para i-assasinate ang self proclaimed na son of God.

Sinabi ng Pangulo ang kaso na inihain sa kaniya sa US ay naihain na bago pa man siya naging pinuno ng Pilipinas.

Tantiya ng Pangulo na posibleng natatakot lamang si Quiboloy sa kahihinatnan ng kaniyang kaso.

Dahil dito pinayuhan ng Pang. Marcos si Quiboloy na harapin ang kaniyang mga kaso at sagutin ang mga isyu, dumalo din ito sa pagdinig ng Senado at Kamara ng sa gayon mapakinggan ang kaniyang panig.

Kapwa ng naglabas na ng subpoena ang Kamara at Senado laban kay Quiboloy at kapag hindi ito sumipot ay ipa-contempt na ito at maglabas ng warrant of arrest upang siya ay hulihin.

Nilinaw din ng Pangulo na walang may gusto na patayin si Quiboloy at aminadong hindi naiintidihan ang mga sinasabi nito.