-- Advertisements --
Tinawanan lamang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay addict at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa ambush interview kay Pang. Marcos bago ito lumipad patungong Vietnam, tinawanan lamang ng Presidente ang nasabing alegasyon.
Tumanggi ang pangulo na mag komento ukol sa isyu at sinabing hindi niya ito i-dignify.
Dinipensahan naman ni Speaker Martin Romualdez ang Pangulo na kaniyang pinsan.
Hinamon nito ang mag-amang Duterte na maglabas ng ebidensiya laban sa kanilang alegasyon.
” I won’t even dignify,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.