Suportado ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang inilunsad na ‘Kanegosyo Center’ na pinangunahan ng isang malaking private company sa bansa.
Layon ng KNC na i -empower ang mga umuusbong na Filipino micro, small, medium enterprises (MSMEs).
Pinangunahan ng chief executive ngayong umaga ang paglulunsad ng nasabing programa na ginanap sa Palacio de Memoria sa Roxas Boulevard, Paranaque City.
Ang Kanegosyo Center ay isang online one-stop shop para sa mga Filipino MSMEs na nais magbukas o i-expand ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng malawakang serbisyo.
Layon din nito na i-promote ang “ease of doing business dito sa Pilipinas” sa pamamagitan ng isang comprehensibo, curated resources at assistive interventions.
Kabilang sa serbisyo na ibinibigay ng Kanegosyo Center ay ang pag assist sa mga MSME owners at mga aspiring business owners para sila ay mas maging handa, may malakaw ng kaalaman at well- equipped para sa pagsisimula ng kanilang negosyo.
Tutulungan din ng KNC ang mga business owners na magkaroon ng access sa gobyerno gaya ng barangay clearance, business permits, DTI registration at BIR registration.
Magkakaroon din ng access ang mga MSME owners sa loans, investments, banking services at insurance para sa pagtatayo ng kanilang negosyo.
Sa paglulunsad ng programa nasa mahigit 10,500 aspiring entreprenuers ang nag avail sa nasabing programa.
Inihayag naman ng Pangulo ang KNP ay bahagi ng programa ng pamahalaan para mapalakas pa ang Public, Private Partnership o PPP.