Pag-aaralan pa ng pamahalaan ang gagawing pag amyenda sa 1987 constitution sa pamamagitan ng Charter Change.
Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Isinusulong kasi ng House of Representatives na amyendahan ang saligang batas partikular ang economic provisions nito ng sa gayon makahikayat pa ang bansa ng mas maraming mga investors.
Binigyang-diin ng Pangulo partikular na pag aaralan ay ang probisyon duon sa opportunity cost sa mga nais na maglagak ng puhunan dahil batay sa konstitusyon partikular sa economic provisions ay hindi ito viable para sa mga investors.
Ipinunto din ng chief executive na para sa kaniya nais nitong gawing investment-friendly ang Pilipinas.
Kaya mahalaga na magsagawa ng pag aaral at kung may kailangang baguhin para mahikayat na mag invest sa bansa ang mga potential investors.
Sa kabilang dako inihayag ni Speaker Romualdez na pag aaralan ng mga kongresista ngayong christmas break ang pagbabago sa economic provisions sa saligang batas.