Inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na bumubuti na ang kalagayan ng kaniyang ina na si dating Firts Lady Imelda Marcos na kasalukuyang naka confine dahil nagkaroon ng pneumonia.
Sa isang post sa social media account ng Punong Ehekutibo kaniyang sinabi na bumubuti na humuhupa na ang lagnat ng dating unang ginang at papagaling na aniya ito batay sa pahayag ng kaniyan mga doktor.
Sinabi ni Pang. Marcos na nagpasya silang panatilihin na muna sa ospital si Ginang Marcos haggang matapos ang ibinibigay na antibiotics ng mga doktor.
Aniya, sa ganitong paraan makapagpapahinga pa nang husto ang kaniyang ina at mababantayan ang kaniyang gamutan.
Ayon sa Presidente, sa pagdating niya sa bansa kagabi mula sa Melbourne, Australia agad siya bumisita sa hospital at kahit hatinggabi na ay gising pa ang kaniyang ina at alerto.
Lubos naman ang pasasalamat ng Pangulong Marcos sa mga Pilipino sa kanilang dalangin para sa agarang paggaling ng kaniyang ina.