Tahasang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr kay German Chancellor Olaf Scholz na walang jurisdiction ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil gumagana pa rin ang judicial system at law enforcement mechanisms sa bansa.
Sa bilateral meeting nina Pang. Marcos at Scholz, sinabi nito na ang panghihimasok ng ICC sa judicial system ng Pilipinas isa sa tinutugunan ngayon ng bansa.
Giit ng Pangulo na isa pagkakamali para sa ICC na makialam sa judicial process ng Pilipinas gayong gumagana naman ang judiciary ng bansa maging ang militar at pulisya at umiiral pa rin ang rule of law.
Pormal ng kumalas ang Pilipinas sa ICC nuong March 17,2019.
Giit pa ng Presidente maraming mga abugado sa bansa para makisawsaw pa ang ICC sa imbestigasyon.