Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga sundalo na naka base sa Sulu matapos matagumpay nilang mapahina ang pwersa ng teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya.
Nasa Sulu si Pangulong Marcos nuong Biyernes upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga magsasaka, mangingisda at sa mga pamilya nila sa Sulu.
Sa kabila ng tagumpay ng militar laban sa teroristang Abu Sayyaf, pina-alalahanan ng Punong Ehekutibo ang mga sundalo na huwag maging complacent sa kanilang misyon hanggat hindi tuluyang napu pulbos ang teroristang grupo.
“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” pahayag ni Pang. Marcos.
Iniulat ng militar sa pangulo na nawawala na ang banta mula sa teroristang grupo maging ang mga ISIS inspired terrorist group.
Sa talumpati ng Presidente, kaniyang binigyang-diin ang paglipat ng pokus ng AFP sa external defense kasunod ng mga nangyayaring insidente partikular sa bahagi ng West Philippine Sea.
“So, we just have to keep vigilant and to continue to watch what is going on and to make sure that namo-monitor natin lahat ng nangyayari,” pahayag ni Pang. Marcos.