-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong talagang kalihim ng Department of Agriculture ang fishing tycoon na si Sec Francisco Laurel Jr., na makontrol ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong pang agrikultura.

Sinabi ng Pangulo na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tumataas ang presyo ng ibat ibang produktong pang agrikultura bunsod ng ibat ibang dahilan, isa na dito ang inflation, hoarding at maging ang epekto ng climate change, gaya ng African swine fever at Avian flu virus.

Inihayag ng Pangulo na mahalaga mapag aralan kung ano ang dapat gawin para magkaroon ng kontroladong presyo ng mga bilihin.

Dagdag pa ng Presidente kailangang mapababa ang halaga ng produksyon sa pamamagitan ng paggamit ng malalaking makinarya sa sektor ng pagsasaka at pangisda.

Ipinunto ng chief executive na mahalaga aniyang gawing halimbawa ang mga pamamaraan ng ibang mga kalapit bansa at subukang gawin dito sa Pilipinas.

Ilan lamang aniya sa mga kalapit bansa na may epektibong mechanization program sa sektor ng agrikultura ay ang Thailand, Vietnam at Indonesia.