-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Iminumungkahi ng political analyst kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na dapat tuloy-tuloy na magkaroon ng independent foreign policy at pagpapalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) o modernization program para sa magamit sa pansariling depensa ng bansa.

Ito ay kabila ng umano’y pangako ng Estados Unidos at ibang kaalyadong mga bansa na handa silang sasaklolo sa Pilipinas kung magkagipitan sa pagitan ng China sa isyu ng West Philippine Sea.

Tinukoy ng constitutional law expert na si Atty. Antonio La Viña ang pagkita-kita nila ni Marcos;U.S President Joseph ‘Joe’ Biden at Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa itinuring na historical trilateral meeting sa White House kung saan isyu sa West Philippine Sea ang isa sa kanilang tinalakay noong nakaraag linggo.

Sinabi sa Bombo Radyo ni La Viña na dapat hindi sasandal ng lubusan ang Pilipinas sa Amerika at Japan dahil magkaiba ang mga pinanghahawakan nito na mga interes.

Aniya,dapat siguraduhin ng Pilipinas ang proteksyon ng West Philippine Sea na sapilitang inangkin ng China dahil ‘ high seas’ concern ang inaatubag ng Estados Unidos at Japan.

Magugunitang daan-daang diplomatic protest actions na ang naihain ng Pilipinas laban Tsina kung saan ilang personahe ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy nang magkahabulan habang nagre-supply mission sa naka-estasyon na BRP Shiera Madre vessel sa Ayongin Shoal sa West Philippine Sea.