Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pilot test run ng Department of Migrant Workers mobile app at OFW Pass.
Nakadesinyo lamang para sa mga OFW ang nasabing app kasama ang OFW Pass na magsisilbing digital alternative sa Overseas Employment Certificate (OEC).
Mas convenient ito at transaction-free replacement para sa papel na cerificate na mayroong P100 fee.
Parehong libre ang Mobile App at OFW Pass kasunod na rin ng direktiba ng Pangulo na bilang pagbibigay pugay sa mga sakripisyo at kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng ating bansa.
Tiniyak naman ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na mayroong security features ang mobile application na pumasa sa standards ng Department of Information and Communications Technology kayat wala aniyang dapat na ipangamba ang OFWs sa data breach.
Nasa kabuuang 10 mga bansa at teritoryo ang natuloy ng DMW na may mataas na bilang ng OFWs bilang pilot testing sites para sa OFW pass kabilang dito ang Kingdom of Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Qatar, Singapore, Malaysia, Oman, Japan, Taiwan, United Kingdom, at Hong Kong.