Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad at presentasyon ng pinakabagong Philippine Independence and Nationhood (APIN) Coin set ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong araw, June 5,2023.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na hindi lang isang souvenir ang mga commemorative coin set kundi isa rin tanda ng pagkatatag ng Republika ng bansa.
Ang paglulunsad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Lunes, Hunyo 12.
Tampok sa naturang commemorative set ang 100-Piso, 20-Piso and 5-Piso denominasyon kalakip ang ilang mahahalagang bahagi ng kasaysayan tulad ng pagdeklara ng Kalayaan ng bansa noong 1898, ang unang republika sa Barasoain Church, at ang kagitingan ng mga Pilipinong sundalo noong Philippine-American War.
“And that’s why we have to see it not just a very, very souvenir but really a commemoration of the creation of the Republic of the Philippines. And it’s entirely appropriate that I have never seen coins like this before,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Ang mga nasabing commemorative coins ay ginamitan ng central bank ng latest digital printing technology sa [ag develop ng APIN coin set, kung saan ipinapakita nito ang first colored, non-circulation, commemorative coins na ginawa ng BSP.
Ayon sa BSP kanilang iaanunsiyo sa kanilang social media channels kung kailan maging available ang APIN coin set at mabibili ito sa BSP store.
Ayon kay BSP Gov. Felipe Medalla ang mga commemorative coins na colored non circulation ibig sabihin hindi ito maari gastusin.
Pinuri naman ni Pang. Marcos ang BSP sa pag produce ng commemorative coins na binibigyang pagkilala ang mga key historical scenes ng bansa.
“That’s what it means. It just doesn’t mean that it is a 125th anniversary of the Independence Day, but it also reminds us how far we have come and the significance of what we have achieved in 125 years,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.