Tahasang pinangalanan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga rice smugglers na sangkot sa rice smuggling sa bansa na sumisira sa rice supply and demand sa merkado.
Ayon sa Pangulo patong patong na kaso ang kinakaharap ng mga rice smugglers na lumabag sa Customs Modernization and Tariff Act, the Rice Tariffication Law, and the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (Republic Act No. 10845).
Kabilang sa mga pinangalanang rice smugglers sa bansa ay ang mga sumusunod: San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, FS. Ostia Rice Mill at Gold Rice Mill.
Ayon sa chief executive, Bagong Pilipinas na ngayon at hindi nito hahayaan na patuloy na mamamayagpag ang smugglers na hindi lumalaban nang patas.
Sabi pa ng Pangulong Marcos, walang puwang sa lipunan ang mga nanlalamang at nang-aapi sa kapwa.
Sa talumpati ng Pang. Marcos sa isinagawang pamamahagi ng bigas sa Taguig, siniguro nito makamit ng bansa ang food security.
Binigyang-diin ng Pangulo na nais din niyang magpadala ng matinding babala laban sa mga smuggler ng bigas na hindi basta-basta uupo ang administrasyon sa pagwawakas sa kanilang mga iligal na aktibidad na nakakasira hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa mamamayang Pilipino.
“Binabalaan ko ang mga sumasabotahe sa ating ekonomiya: Kayong mga smuggler, kayong mga hoarder, at sindikato, tigilan na ninyo ang mga masama ninyong gawain,” pahayag ng Pang. Marcos.