-- Advertisements --
image 426

Tatlong taon matapos ang ipinatupad na mga lockdown sa Luzon, naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na napagtagumpayan ng bansa ang mga suliraning dulot ng pandemiya at ipinunto ang unti-unting pagrekober na ng ekonomiya at tumataas na immunity mula sa covid-19.

Inihayag din ng Pangulo na mayroong sinyales na nagrerekober na ang bansa mula sa epekto ng pandemiya.

Paunti-unto ayon sa Punong ehekutibo ay nakikita na wala ng gaanong nagkakasakit at nagaalala na magkakasakit dahil napangasiwaan na ang siwasyon sa covid-19 kung saan ilan aniya ay bakunado na rin at naabot na ang immunity.

Subalit hindi pa aniya masasabi na tapos na ang problema sa covid-19. Bagamt tapos na aniya ang lahat ng epekto ng pandemiya sa ating ekonomiya ay nananatili pa rin ng virus.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng assistance sa vulnerable sectors kasabay ng pagrekober ng bansa mula sa covid-19 pandemic.