-- Advertisements --
image 463

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan nito ang mga magsasaka na apektado ng nagdaang super typhoon Egay sa Northern Luzon.

Ayon sa Punong ehekutibo na kasalukuyan ding kalihim ng Department of Agriculture, nakamonitor ito sa sitwasyon sa Ilocos region, Cagayan at Tuguegarao na matinding sinalanta ng bagyong egay na nagdulot ng malalakas na ulan at hangin.

Sinabi din ni PBBM na sa oras na maaari ng madaanan ang mga kalsada, agad na magpapadala ng relief goods at iba pang mga serbisyo.

Magbibigay din ng seedlings para sa mga apektadong magsasaka.

Base sa data ng disaster response and monitoring office ng DA, nasa mahigit 3,000 na ang magsasaka na apektado mula sa pananalasa ng Egay sa kanilang mga sakahan mula sa Cordilelra administrative region, Calabarzon, Mimaropa at Caraga.

Ayon sa DA, mabibigyan ng tulong ang mga apektadong magsasaka gaya ng rice, corn seed, at assorted vegetable seeds, mga gamot at biologics para sa livestock at poultry, fingerlings assistance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Rezources.

Mayroon ding survival at recovery loan program mula sa Agricultural Credit Policy Council na available para sa mga magsasaka at maaaring makahiram ng hanggang P25,000 na maaaring bayaran sa loob ng 3 taon nang walang interes.