Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tapos na ang ginawa nitong konsultasyon sa mga legal luminaries kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na matagal na rin siyang nakikipag-usap sa liderato ng Senado at Kamara tungkol sa usaping ito.
Sa katunayan nagkasundo na anya ang mga mambabatas na ang Senado ang mangunguna sa inisyatibo ng economic Charter change.
Ayon sa Pangulo, ang mahalaga ay maisakatuparan ang amyenda sa Konstitusyon na tahimik nilang tinatrabaho.
Muling iginiit ni Pang. Marcos na kailangan ang reporma para maging maluwag ang pamumuhunan sa Pilipinas.
Kahapon, inihain na sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 na kapareho ng RBH No. 6 ng Senado.
Hindi naman maintindihan ng Presidente kung bakit nagkakaroon girian ang dalawang kapulungan gayong kanila na itong napag-kasunduan.
Ang pag-amyenda sa economic provision sa Saligang Batas ay magpapalakas sa investment at magtataguyod ng upskilling sa mga Pilipino.
Home Top Stories
PBBM nais amyendahan ang economic provision sa Saligang Batas sa tahimik na paraan, umaasang magkakasundo na ang Kamara at Senado
-- Advertisements --