-- Advertisements --
Nagpaabot si Pang. Ferdinand Marcos Jr ng kanyang pakikiramay sa naulilang pamilya ng limang mga Pinoy seafarers na nasawi sa paglubog ng Chinese vessel sa Indian Ocean noong May 16.
Ayon kay Pang Marcos, nakaantabay ang pamahalaan para alalayan ang pamilya ng mga ito.
Maliban dito, nangako rin ang pangulo na magbibigay ang pamahalaan ng assistance o tulong sa mga naulilang pamilya.
Kasabay nito ay pinasalamatan naman ni Pang Marcos ang mga Australian at Chinese search and rescue team na nagsagawa ng malawakang operasyon para matuntun ang katawan ng mag nasawing crew.
Maalalang sa paglubog ng Chinese fishing vessel ay namatay ang lahat ng crew na sakay nito. Kinabibilangan ito ng 17 Chinese, 17 Indonesian, at ang limang Pilino.