-- Advertisements --
Nakikiisa si pangulong ferdinand marcos jr. sa mga kristiyano at katoliko para sa paggunita sa ash wednesday.
Sinabi ng pangulo na dalangin niya ang mataimtim na pagninilay at pagtitika para sa araw na ito ng pagpapahid ng abo.
Ayon sa pangulo, habang inihahanda natin ang ating mga sarili para sa panahon ng semana santa, umaasa siyang ang pagmamahal ni Hesukristo ay patuloy na magsilbing inspirasyon sa ating lahat para magtiis at ipagpatuloy ang pagsi serbisyo sa iba.
Ngayong araw, ang simula ng 40 araw para sa paggunita sa semana santa o kwaresma o kung kelan inaalala ng mga pilipino ang pagpapakasakit, pagdurusa, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.