Nagbabala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) na wala dapat maging puwang ang pagiging abusado lalo na sa kanilang pagtugon sa kanilang mga tungkulin.
Ipinahayag ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa ika-121st Police Service Anniversary sa Camp Crame ngayong araw, August 8, 2022.
Ayon kay PBBM, hindi dapat maging abusado ang kapulisan dahil sila ang dapat na nangunguna sa lahat patungo sa kapayapaan at magsilbi bilang isang mabuting halimbawa sa lahat ng ating mga kababayan.
Ito ang dahilan kung bakit hindi aniya dapat na mabahiran ng dishonesty o kawalang karapatan ang mga miyembro nito kasabay ng kaniyang paalala na huwag nilang isasakrispisyo ang kanilang integridad bilang kagalang-galang na tagapaglingod sa ating bayan.
“Let us not allow even a hint of dishonesty and abuse to enter into that narrative. You are the vanguards of peace. You are and that you set the example of the kind of leaders that we need to overcome the hindrances of today.” bahagi ng pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantala, nagpaabot naman ng papuri si PBBM sa buong pwersa kasabay ng pagpapahayag ng isang malaking paggalang na nararapat para sa kanila dahil sa mahusay na trabahong kanilang ginagampanan.