-- Advertisements --
image 209

Inamin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Ian Dy na nagalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng insidente ng data leaks sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ito ay matapos na tumawag si Pangulong Marcos sa ahensiya nitong Huwebes at inatasang maging proaktibo at paigtingin pa ang depensa.

Inalam din ng Pangulo ang technical details at inihayag na dapat paghandaan para mapigilan ang ganitong mga insidente at hindi dapat na saka lamang kikilos kapag nangyari na.

Matatandaan na inisyal na napaulat na nabiktima ng cyberattck ang Philippine Insurance Corp. (PhilHealth) na nagresulta naman sa pag-leak ng ilang mga data.

Sinundan naman ito ng parehong isyu sa Philippine Statistics Authority (PSA),Department of Science and Technology (DOST), at Philippine National Police (PNP)

Kinumpirma naman ng DICT Sec. na ang natukoy ng suspek sa likod ng data breach mula sa PSA at DOST ay pareho lamang.