-- Advertisements --

Nasaksihan ng mga Astronomers, ang aktwal na pagbuo ng mga planeta sa isang paligid ng bituin na tinanatawag na HOPS-315, na matatagpuan sa Orion Nebula, 1,300 light years mula sa Earth. Tinatayang ito na ang kauna-unahang pagkakataon para masaksihan ito ng mga siyentipiko.

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Nature, gamit ang James Webb Space Telescope nakita ng mga eksperto ang mga senyales ng mainit at mineral crystals na itinuturing bilang mahalagang sangkap sa pagbuo ng planeta na kalaunan ay kinumpirma ng ALMA telescope sa Chile.

Nabatid na ang mineral ay natuklasang nasa isang bahagi ng disc na kahawig ng asteroid belt ng ating Solar System — senyales na nagsisimula na ang proseso ng pagbuo ng mga planeta.

Ayon sa pangunahing may-akda ng pag-aaral na si Melissa McClure ng Leiden University, “For the first time, we have identified the earliest moment when planet formation is initiated around a star other than our sun,” pahayag ni McClure.

Para sa mga siyentipiko, ito ay parang pagbabalik-tanaw sa sariling kasaysayan ng Solar System na isang pambihirang pagkakataon na masaksihan ang pinagmulan ng mga mundo.