Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay PNP Chief PGen. Rommel Marbil ang posibilidad na lumikha ng isang departamento sa organisasyon na tututok sa pagbibigay tulong legal sa mga pulis na kinakasuhan dahil sa mga walang batayang akusasyon at panggigipit.
ito ang isa lamang sa naging resulta ng ipinatawag na command conference kahapon ng pangulo sa kampo crame.
Sinabi ng pangulo na ang itatatag na pnp legal department ang magsisilbing defense counsel ng sinumang pulis na mahaharap sa reklamo dahil sa pagtupad nila sa tungkulin.
Binigyang diin ng pangulo na hindi rin naman pwedeng balewalain lang ng pamahalan ang kapakanan ng mga police personnel lalo na sa mga pagkakataong itinataya ang sarili nilang buhay at kaligtasan sa pagganap sa tungkulin, subalit binabalikan pa ng mga suspek sa krimen na idinadaan sa pera at pagkuha ng magagaling na abogado ang kaso para lamang takasan ang pananagutan.
Giit ng pangulo, layunin ng hakbang na ito na protektahan ang PNP laban sa mga maimpluwesiyang grupo na nangha-harass sa organisasyon.
ang pnp legal department ang magtatanggol sa pulis na kinasuhan at ibibigay ang legal na tulong nang libre.










