-- Advertisements --
PBBM5

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno, at mga Local Government Unit na suportahan ang laban ng pamahalaan kontra kriminalidad sa bansa.

Nakasaad sa nilagdaang Memorandum Circular No. 19 ng pangulo ang direktiba nito sa lahat ng mga government agencies at lokal na pamahalaan sa bansa na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program.

Alinsunod ito sa target na “whole of government” approach sa pagtugon sa kriminalidad, kasabay ng pagtiyak sa peace and security ng bansa.

Layunin ng 2023 National Crime Prevention Program na siguraduhin ang kapayapaan at seguridad sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 kasama ang National Police Commission sa pagpapatupad nito.

Ang programang ito ay pinaunlad ng NAPOLCOM sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice na isang interdisciplinary body na binuo naman ng mga eksperto mula sa iba’t-ibanga government at non-government organization na may kaugnayan sa criminal justice system ng Pilipinas. // as