-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Deprtment of Health (DOH) na tugunan ang tumataas na kaso ng HIV sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mahigpit ang bilin ni Pangulong marocs na padaliin ang pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng mas mabilis na proseso sa mga pangunaging hospital na pupuntahan ng mga indibidwal na namumuhay na may HIV.

Binigyang-diin ng kalihim na sa pamamagitan ng nasabing sistema masisiguro na rin ang regular na pagkunsulta ng mga mayruong HIV.

Paiigtingin din ng DOH ang kanilang kampanya na iwaksi sa isipan ng ating mga kababayan ang stigma ng pagkakaroon ng HIV.

Batay sa datos ng DOH nasa 57 kaso ang naitatala bawat araw mula nuong buwan ng Enero hanggang nitong Marso o sa unang quarter ng taon.

Aniya sa ngayon dahil may mga gamot na hindi na nakamamatay ang nasabing sakit bastat regular ang pag kunsolta at pag inom ng gamot.

Dahil dito sinabi ni Herbosa na pinaigting ng DOH ang pagbibigay ng libreng anti-retoviral o ARV drugs sa mga indibidwal na namumuhay nay may HIV.

Sa kabilang dako, binigyang diin ni Herbosa na panahon na rin para amyendahan ang batas para labanan ang HIV.