Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglipat ng Development Academy of the Philippines (DAP) mula sa Office of the President patungo sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Nilikha noong 1973 sa panahon ng administrasyon ng ama ni Marcos Jr., si dating Pangulong Ferdinand Sr., ang Development Academy of the Philippines ay nagsasagawa ng mga programa sa pagpapaunlad ng human resource para sa mga pangunahing sektor ng gobyerno at ekonomiya.
Ayon sa Executive Order No. 45 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang paglipat ng DAP sa ilalim ng NEDA ay bahagi ng rightsizing policy ng administrasyong Marcos Jr.,
Aniya, alinsunod sa patakaran sa rightsizing ng pambansang pamahalaan, kinakailangang ma-streamline at i-rationalize ang functional relation ng mga ahensya na may complimentary mandate upang isulong ang koordinasyon, kahusayan, at pagkakaugnay-ugnay ng organisasyon sa burukrasya.
Ang isang malakas na ugnayang pang-organisasyon sa pagitan ng NEDA at DAP ay kinakailangan upang palakasin ang pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng bansa.
Dagdag dito, ang nasabing paglilipat ay magbibigay din ng daan para sa patakaran at koordinasyon ng programa sa pagitan ng dalawang entity.
Una na rito, ang nasabing EO ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.