-- Advertisements --

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkakasama na ng Artificial Intelligence (AI) para sa training ng mga kadete sa Philippine Military Academy (PMA).

Sinabi ni Pangulong Marcos, mabuti at kasama na sa training ng mga magiging bahagi ng AFP ang AI lalo’t hindi na din talaga sapat ang lakas at liksi ng katawan sa gitna ng aniyay ibang anyo na rin ng pakikipaglaban sa pamamagitan ng cyberspace.

Binigyang-diin ng Presidente na ang higit na kailangan aniya ngayon ay ang talas ng pag- iisip kaya’t napakahalaga na kabilang na sa kurso ng PMA ang asignatura na dati’y hindi kasama sa training ng mga kadete.

Bukod sa AI, inihayag ng Pangulo na kasama na din sa pagsasanay ng mga estudyante sa PMA ang drone operations, strategic thinking, ethical leadership at iba pa.

Iba na din aniya ang labanan sa kasalukuyan kung saan ay hindi na nadedetermina ng radar ang bawat kilos ng kalaban.