-- Advertisements --
Idineklara ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang January 9, Martes bilang special non-working day sa siyudad ng Manila upang bigyang daan ang paggunita sa kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ang Proclamation No.434 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw January 4,2024.
Batay sa proklamasyon nararapat lamang na mabigyan ng oportunidad ang mga residente ng Maynila na makilahok sa nasabing okasyon at i enjoy ang okasyon.
Nakatakdang ipagdiriwang ng Manila City ay nakatakdang ipagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno sa January 9,2024.
Sa kabilang dako, all set na rin ang Quiapo church para sa pista ng Nazareno.
Nakalatag na rin ang seguridad ng PNP para sa gagawing Traslacion.
via Bombo Analy Soberano