-- Advertisements --
image 439

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng health facilities para sa kanilang mga residente at suportahan ang Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040 ayon sa Malacanang.

Una ng pinagtibay nitong nakalipas na araw ng Martes sa Memornadum circular no. 26 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang health facility development plan na nagsisilbi bilang overall strategy ng bansa para sa infrastructure at medical investments.

Layunin ng development plan na ito na makapagbigay ng matatag na primary care at streamlined health system para sa lahat ng mga Pilipino alinsunod sa Universal Healthcare Act.

Para makamit ito, kailangang bumalangkas ng mga lokal na pamahalaan ng panukala na makakatulong sa paglikha ng primary care provider networks at health care provider networks.

Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na i-tap ang pyublic-private partnerships sa pagtugon ng gaps sa health facility development strategy.

Una ng sinabi ni PBBM sa kaniyang ikalawang SONA na papalawigin pa ng kaniyang administrasyon ang specialized hospitals sa labas ng Metro Manila.

Ipinangako din ng Pangulo ang paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa taumbayan upang hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga ospital at health care centers.