-- Advertisements --

Bibiyahe na patungong Jakarta, Indonesia si Pang. Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw, September 4,2023 para dumalo sa 43rd ASEAN Summit.

Pasado alas-2:30 ng hapon mamaya inaasahan ang pag-alis ng Pangulo sakay sa PR-001 flight patungong Jakarta.

Kabilang sa mga kumpirmadong makakasama sa delegasyon ng Pangulo ay sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo,DSWD Sec Rex Gatchalian at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Kasama din sa biyahe ng Pangulo ang business delegation kung saan magkakaroon ng serye ng pagpupulong sa mga business groups sa Indonesia para mahikayat na maglagak ng investment sa bansa.

Magsisimula ang 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa September 5 hanggang September 7,2023.

Una ng inihayag ng Department of Foreign Affairs na kabilang sa tatalakayin ng Chief Executive sa mga heads of states ng ASEAN ay ang isyu sa West Philippine Sea partikular ang ginawang pag water canon ng China Coast Guard at ang pagpapalakas pa ng relasyon ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa.

Umaasa din ang chief executive na magkaroon ng joint statement ang ASEAN hinggil sa ginawa ng China sa Philippine vessel at magkaroon na rin ng Code of Conduct.
Isusulong din ng Pangulo sa ASEAN Summit ang kaniyang adbokasiya sa food,energy security,digital potential ng Pilipinas at MSMEs.