Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada mula July 1 hanggang July 4 upang palalimin ang ugnayan ng dalawang bansa at palakasin ang kooperasyon sa depensa, seguridad, kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, at iba pang strategic sector.
Makikipagpulong si Marcos kay Canadian Prime Minister Mark Carney upang talakayin ang pagpapalawak ng ugnayang pang-ekonomiya at iba pang mahahalagang usapin.
Makikipagpulong din si Pang. Marcos sa mga negosyante at mamumuhunan sa Canada upang isulong ang mga oportunidad sa negosyo sa Pilipinas.
Kasama rin sa kanyang pagbisita ang pakikipagkita sa Filipino community sa Vancouver.
Ito ang unang opisyal na pagbisita ng isang pangulo ng Pilipinas sa Canada sa loob ng mahigit isang dekada.
Makakasama ng Pangulo sa biyahe si First Lady Liza Marcos at iba pang mga miyembro ng gabinete.
Ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa North America ay batay sa imbitasyon ni Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney.
Si dating Pangulo Benigno Simeon Aquino III ang huling presidente ng Pilipinas ang nagsagawa ng state visit sa Canada nuong 2017.










