-- Advertisements --

Bibiyahe sa darating na Miyerkules, April 10, si Pangulong Ferdinand R . Marcos jr. patungong Washington DC sa Amerika para sa kanilang Trilateral meeting nila ni US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon kay DFA Acting Undersecretary Hans Mohaimin Siriban na maituturing na historical ang nasabing pagpupulong gayung ito ang unang pagkakataon na magpupulong ng sama sama ang taong lider.

Paglilinaw ni Siriban, hindi pakay ng trilateral meeting na patungkulan ang alinmang bansa gayung ang pag- uusapan naman dito bukod sa peace and security ay ang pinalakas na economic cooperation.

Isa naman sa inaasahang highlight ng pulong ng tatlong lider ay ang Joint vision statement ng mga ito.

Kaugnay nito may bukod pang pagpupulong sina Pangulong Marcos Jr at US President Joe Biden habang may nakalinya ring business meetings ang Chief Executive habang nasa Washington ito.

Hindi naman sinabi ni Siriban kung sino-sino ang bubuo sa delegasyon ng Pangulo.