-- Advertisements --
PBBM ASEAN SUMMIT

Pinag-usapan din nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang pagkakaroon ng isang memorandum of agreement para mapigilan at mapangasiwaan ang mga insidente sa disputed waters.

Ito ay kasabay na rin ng pagtalakay ng maritime cooperation sa pagitan ng 2 bansa sa naging bilateral meeting ng dalawang lider sa ASEAN Summit ngayong taon.

Ayon sa Vietnamese PM opisyal na lalagdaan ang planong MOA kasama ang ibang mga bansa.

Base naman sa Presidential Communications Office, tinalakay din ng Pangulo ang posibilidad ng pagkakaroon ng fishery cooperation sa Vietnam.

Ayon sa Pangulo, mahalaga aniya ang kasunduan dahil hindi lamang ito limitado sa mga isyu sa seguridad at depensa kundi maging karapatan sa pangingisda.

Top