-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año, na magkakaroon ng bilateral meeting sa sidelines ng trilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos jr at US President Joe Biden.

Sa trilateral meeting kasama dito si Japan’s Prime Minister Fumio Kishida.

Sinabi ni Ano na ang bilateral meeting nina Pang. Marcos at Biden ay sequel lamang sa naging state visit ng Pangulo nuong nakaraang taon.

Ayon sa kalihim posibleng pag-usapan ng dalawang lider ang isyu sa West Philippine Sea.

Inihayag din ni Año na ang pag-uusap nila ng kaniyang US counterpart na si Jake Sullivan ay may kaugnayan sa paghahanda para sa bilateral meeting ng dalawang lider.

Sinabi ni Ano na sa kanilang pag-uusap ni Sullivan tiniyak nito ang iron clad commitment ng US sa Pilipinas lalo na kung kailangan ng i-activate ang Mutual Defense Treaty.

Bukod sa isyu sa West Philippine Sea pag-uusapan din nina Pang. Marcos at Biden ang usapin sa trade at cybersecurity.