-- Advertisements --
Umaasa si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na papayagan na sila ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na makapag-ensayo sa mga lugar na mayroong mababang quarantine protocol.
Sinabi ni Marcial na sa nasabing mga lugar na mayroong mababang quarantine level ay pinapayagan na ang mga pagsasagawa ng mga contact sports at ilang mga kaganapan.
Gaya aniya sa ginawa ng mga Gilas cadet na nagsagawa ng training bubbles sa Laguna ay maaari rin nila ito ipatupad sa PBA.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naging bubble venue ng PBA ang Clark at doon na rin ginanap ang 2020 Philippine Cup.