-- Advertisements --

Patuloy ang pagbibigay babala ni PBA Commissioner Willie Marcial laban sa mga scalpers na nagbebenta ng tickets sa Game 7 finals ng PBA Commissioners Cup.

Sinabi ni Marcial na mahigpit na nakabantay ang mga otoridad laban sa iligal na bentahan ng ticket sa laro.

Nitong nakaraang Miyerkules kasi ay mayroong tatlong katao ang naaresto ng mga kapulisan dahil sa pagbebenta ng ticket na may kamahalan.

Mahaharap aniya sa kaukulang kaso ang sinumang maaresto sa iligal na bentahan ng nasabing ticket.

Gaganapin kasi ang Game 7 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Bay Area Dragons sa Philippine Arena sa Bulacan sa Enero 15.