-- Advertisements --
PBA

Hiniling ni Philippine Basketball Association Chairman Ricky Vargas na magkaroon ng basketball summit kasama ang lahat ng stakeholders sa Philippine basketball.

Ito ay upang magkaroon ng allignment sa calendar of activities para sa mga basketabll team at liga sa buong bansa.

Sa naturnag summit, nais ng PBA Chairman na makasama ang mga opisyal at players ng PBA, University Athletic Association of the Philippines, National Collegiate Athletic Association, Gilas management, at lahat ng stakeholders.

Ayon kay Vargas, kailangang magkaroon ng maayos na koordinasyon sa ibat ibang liga dahil maaapektuhan ang mga basketball players na magiging bahagi ng national team – ang Gilas Pilipinas.

Apat na buwan mula ngayon kasi ay sasabak muli ang Gilas sa FIBA Asia Cup Qualifiers(gaganapin sa Pebrero, 2024).

Habang ang PBA ay may panibago nang season, at ang Commissioner’s Cup ay nakatakda nang magsimula sa buwan ng Pebrero.

Ayon sa PBA Chairman, kailangan na mabigyan din ng sapat na pagkakataon ang bawat player na manggagaling sa ibat ibang liga sa buong bansa, ng sapat na panahon, para maging bahagi ng Gilas Pilipinas na silang kakatawan sa bansa sa mga international basketball competition.