Tuluyan nang sinampahan ng Department of Justice ng patung-patong na mga kaso ang 18 tinaguriang ‘maleta boys’ o mga dating bodyguards ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kinumpirma mismo ni Atty. Polo Martinez, ang tagapagsalita ng kagawaran, na inihain na sa magkakahiwalay na korte ang mga kaso.
Bukod sa labing walong nagpakilalang mga dating sundalo, kabilang din sa mga kinasuhan ng Department of Justice ay ang kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Martinez, inihain ng kagawaran ang mga impormasyon o kaso sa magkakahiwalay na hukuman.
Ito ay sa Regional Trial Courts ng Caloocan City, Las Pinas City, Muntinlupa City at San Juan City.
Ibinahagi ng tagapagsalita na naisampa ang patung-patong na mga kaso laban sa grupo, kahapon pa ng Martes, ika-28 ng Hulyo.
Dahil dito’y nahaharap ngayon ang 18 maleta boys sa 6 na bilang ng kasong cyber libel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
At apat na bilang naman para sa kasong perjury.
Ilan sa mga impormasyon nabanggit ay kapwa akusado nila rito ang kanilang abogado na si Atty. Baligod kasama isa pang bilang ng hiwalay na kasong cyber libel.
Agad namang kinuwestyon ni Atty. Baligod ang mga isinampang kaso ng Department of Justice laban sa kanya sapagkat giit niya’y hindi umano sila pinagbigyan ng pagkakataon para maghain ng ‘motion for reconsideration’.
Naniniwala ang abogado na ang hakbang ito ay mistulang pagsabotahe rin sa inihahandang kaso ng Office of the Ombudsman.
Ginamit kasi ng Ombudsman ang ilan sa mga testimonya ng dating bodyguards sa kaso na planong ihain naman laban kay former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.
Sa naunang paliwanag ng Department of Justice, kanilang binigyang diin na hiwalay ang kanilang imbestigasyon o aksyon ginagawa kumpara sa Office of the Ombudsman.














