-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patung-patong na kaso ang isasampa ng pamilya Dormitorio laban sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sinasabing sangkot sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Jose Adrian Bonifacio, maituturing na komplikado ang kaso kaya maingat nila itong pinag-aaralan at hinahabi para hindi basta mabasura pagdating sa piskalya.

Naniniwala si Bonifacio na matibay ang mg ebidensyang nakapaloob sa sinumpaang salaysay at mga inihanda nila sa korte.

Inamin naman ni police Col. Allan Rae Co, direktor ng Bagui City PNP na sa susunod na linggo pa nila maisasampa ang kaso laban sa pitong PMA cadets.

Posibleng murder at paglabag sa Anti-Hazing law ang kasong isampa ng pulisya laban sa mga sangkot na kadete.