Ito ang ibinahagi ni PLT. Sharmaine Jassie Labrado, ang Team Leader ng naturang ahensya.
Nakakagulat aniya ang pagbulusok ng mga kaso ng cybercrime sa lalawigan mula pa noong buwan ng Pebrero at nangunguna rito ang online scam.
Kabilang sa mga reklamong kanilang natatanggap na uri ng online scam ay ang romance scam, investment scam na siyang pinakamadami, online job scam at online selling scam.
Payo naman nito partikular sa mga naghahanap ng kanilang trabaho, napakahalagang matukoy kung legal ba ang link na kanilang makikita o mabuksan.
Pinag-iingat din nito ang publiko sa mga nag-aalok ng online jobs lalo na ngayong talamak ang job fairs.
Dagdag pa ni Labrado na isa sa senyales na ang transaksyon o uri ng trabaho ay isang uri ng scam kung mayroong kinakailangang bayaran sa una bilang membership fee.
Bukod pa rito, may mga online jobs na nag-aalok ng sahod sa mga unang pagkakataon ngunit sa mga susunod ng transaksyon mayroon munang kinakailangang bayaran bago muli makuha ang sahod.
Sa kasalukuyan ay marami na umanong dumulog sa kanila na mga biktima ng online job kung saan magkakamukha ang kanilang modus at pinatawan na aniya nila ang mga ito ng cyber warrants upang matukoy ang totoong pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamagitan ng disclose of warrant computer data.
Kung may numerong kinalaman sa transaksyon, contact number o bank account, ito ay kanilang nire-request for disclosure upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang krimen.