-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Hinihingan ng paliwanag ang driver ng patrol car na nilagyan ng clamp ng Road and Traffic Administration (RTA) sa Cruz-Taal Street sa lungsod.
Ito ay matapos madismaya si PRO-10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan sa ginawang violation sa basic road regulation ng naturang pulis.
Sinabi ni PRO-10 spokesperson Lt Col Mardy Hortillosa na hiningan ni Anduyan nang paliwanag ang nasabing pulis kung bakit ito pumarada sa “no parking” na umani tuloy ng mga negatibong reaksyon mula sa ilang residente at netizens.
Una nang iginiit ng driver na police officer na hindi niya nakita ang “yellow box” kung kaya’t nag-park siya sa lugar.