-- Advertisements --
Nagkaroon lamang ng kaunting damyos ang US Patriot missile system sa Kyiv, Ukraine matapos tamaan ng missile mula sa Russia.
Ayon sa ginawang pagsusuri ng ilang mga inspectors na ipinadala ng US na gumagana pa rin ang nasabing Patriot missile system kaya hindi na nila ito tatanggalin pa sa lugar.
HIndi natamaan ang radar system ng Patriot na siyang itinuturing na pinakamahalagang parte ng nasabing Patriot System.
Mayroong anim na bahagi kasi ang Patriot System ito ay ang generators, radar, control stations, antennas, launcher station at interceptor missiles.
Magugunitang ipinagmalaki ng Russia na kanilang tinamaan ang Patriot System na ibinigay ng US sa Ukraine sa ginawang serye ng missile attack nila sa Kyiv.