-- Advertisements --

lumad1

Kinasuhan ng PNP ng kidnapping with serious illegal detention, child exploitation, at human trafficking ang pitong suspeks na naaresto noong Lunes, kasabay nang pagkakaligtas sa 19 na kabataang Lumad sa Cebu.

Ang mga suspek ay kinabibilangan ng dalawang datu, dalawang guro at tatlong “adult” na estudyanteng Lumad.

Sila ay iprinisinta sa inquest proceedings mula sa Police Regional Office (PRO7) Camp Osmeña, Cebu sa Provincial Prosecutor’s Office ng Davao del Norte, Hall of Justice, Capitol Site, Mankilam, Tagum City sa pamamagitan ng video conference.

Binigyan ang mga ito ng 15 araw para magsumite ng kanilang counter-affidavit.

Ang mga kaso laban sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ng anim na magulang ng mga batang naligtas.

Dinala umano ng mga suspek ang kanilang mga anak mula sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018 patungong Cebu City nang walang paalam.