Tila mas naging makabuluhan ang maiksing bakasyon ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Singapore matapos maisingit ang pakikibahagi sa relief operations para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Regina Umali, 28-year-old Pinay performing artist, maraming kapwa OFW nito at maging ilang kaibigang Singaporeans ang nakiambag sa mga naipamahagi na nitong tulong.
Pero kakaiba sa grupo ni Regina, mas pinili nila na abutan ng tulong ang mga apektado ring residente bagama’t wala sa evacuation center na madalang makatanggap ng donasyon gaya sa Padre Garcia hanggang sa Lipa City sa Batangas.
Dito ay natulungan nila ang tinatayang mahigit 100 pamilya o halos 500 indibidwal na kinabibilangan ng bata at matanda.
Nitong January 16 umuwi sa bansa si Regina at abroad mode na uli ngayong araw.